Monday, August 15, 2011

Isa

Isa-shinx by rockershinx


Intro: Em C G D
Verse: Em C G D
Chorus: C Em G D

Ako’y nawawala, ako’y nagdududa sa mundong aking nakikita
Sino pa ba ako? Anong kailangan ko? Kalian pa ba magkakaroon ng pag-asa
Bakit gan’to na lang lagi ang bawat ikot ng sandali?
Nahiihrapan nasasaktan din naman ako sa lahat ng ‘to…

Gulong-gulo na, litong-lito na, isipan ko sa’king nadarama
Sana’y maglaho na, sana’y mamanhid na puso ko sa kabaliwang ito
Bakit pa ba kailangagng umibig kung di ka naman iibigin?
Mas nanaisin ko pang mag-isa, kaysa naman maramdaman ko talagang ako’y nag-iisa….

CHORUS:
Ako’y ngay nag-iisa lagi, buhay ko’y parang sawi
Humanap man ako ng kasama, iiwan din naman akong mag-isa
Buhay ko ay iisa, mananatili pa bang mag-isa
Sino kaya ang pwedeng makasama nang magpakailan pa man

Nakikinig ka bas a awitin kong ito? Naririnig mo bang pagsamo?
Sana’y tamaan ka ni kupidong tanga, mabulag ka sa aking ganda
Alam kong ito ay isang pantasya, ayos lang kaysa mawala ka
Magbubulag-bulagan na lang ako pag nakita kitang may ibang kasama.

INTERLUDE: C Em G F#/D
BRIDGE: G D Em  C

Mag-isa ko na naman sa aking kuwarto, lumuluha
Mag-isa ko na naman sa aking kuwarto, nakahiga
Mag-isa ko na naman sa aking kuwarto, kumakanta
Hanggang kalian pa ba maririnig ang salitang ISA?

OUTRO: Em C G D 

No comments:

Post a Comment