Wednesday, October 12, 2011

Manhid


Wala ni sinuman ang makahahadlang
Sa pag-ibig sa’yo aking minamahal
Alam kong mali ang aking nadarama
Ngunit tuloy pa rin ang sayo’y paghanga.

Di ko man alam kung paano pigilin
Damdamin ko sayo’y sana’y bagyuhin
Masaklap man ito, kailangang tanggapin
Upang sa iyo’y ako’y mapalapit.

Tuwa ko’y labis kung ika’y makausap
Mas lalo na kung ikaw ay makasama
Nababalisa naman kapag nakikita
Sana’y nadarama ko ay mawala na.

Nagseselos ako ‘pag kasama mo siya
Ngunit kaibigan ko siya, anong magagawa
Ang tanging masasabi’y magpakatanga
O pigilin ang damdamin bago lumala.

Anong gulo na naman aking pinasok
Sadya nga bang kabataa’y mapusok
Kailangang malampasan ang pagsubok
Na inihatid ni kupidong pahamak.

Hay, kaysaklap ng aking kwentong pag-ibig
Sana’y ang lahat ay isang panaginip
Upang hindi na madarama ang sakit
At ako na lamang ay magpapakamanhid.

No comments:

Post a Comment