Miss ko na-shinx by rockershinx
...unclean version..hehe
Chorus:
Miss ko na ang paghatid ko sa’yo
Miss ko na ang tawanan ng grupong ito
Miss ko na ang pagiging masungit mo sa akin
At higit sa lahat ikaw ay miss ko
Verse 1:
Ako ay narito kaibigan ko
Mananatiling totoo magpakailanman
Sa kabila n gating iwasan
Na di ko malaman ang dahilan
Verse 2.
May distansiya man na namamagitan
Sa ating pagkakaibigan
Narito ako kung kailangan mo
Maaaring sandalan at iyakan
Pre-Chorus:
Pero bakit, anong nangyayari
Tila may, ilangan
Ngunit tuloy pa rin…kaibigan ko…
Verse 3:
Sana’y walang hadlang sa ating samahan
Mula noon hanggang ngayon at bukas
Kung may problema ka, tawag ka lang
At agad akong darating diyan
Verse 4:
Sadyang ang buhay ay nagbabago
Ngunit handa akong sabayan ito
Sa kabila ng pagkukulang ko
Ako ngayo’y nasasabik sa iyong dampi
Ako ngayo’y nangungulila sa iyong presensiya
Bridge:
Di na mababago aking kaibigan
Ang naumpisahan ng nakaraan sa ating dalawa
Ang puso ko’y mananatili
Ako’y mananatili
Kung sino ako noong nakilala mo noon..
No comments:
Post a Comment